Mga Madalas Itanong

Pangkalahatan

Ang pangalan (mga pangalan) ng pasaheroAY DAPAT NA WASTO ang pagkapasok sa EKSAKTONG pagkakasunod-sunod na ang mga iyon ay nakikita sa inyong pasaporte o iba pang mga balidong dokumento

Mangyaring tandaan na kung ang pangalan ng pasahero ay hindi tugma sa nakikita sa pasaporte ng pasahero, nakalaan sa mga airline ang karapatan na tanggihan ang pagsakay sa eroplano, kaya manyaring tiyakin na ang pangalan ng pasahero ay tugma sa nasa inyong balidong dokumento para sa pagbiyahe bago ninyo kumpirmahin ang booking. Walang pinapayagang pagsususog ng pangalan kapag ang transaksyong online ay matagumpay na nakumpleto.p>

Kung dalawa ang inyong apelyido o kung may daglit ang inyong apelyido, mangyaring ipasok iyon bilang isang pangalan nang walang mga pagitan o espesyal na karakter, tulad ng mga danggit.

Kung ang inyong apelyido ay may isang alpabeto lamang, tulad ng O, mangyaring ipasok ang OO sa lugar para sa apelyido.

Halimbawa:

Apelyido ayon sa nakikita sa pasaporte Ipinasok na:
SZE-TO SZETO
AU YEUNG AUYEUNG
CHEUNG WONG CHEUNGWONG
O OO

Kung kayo ay mayroong gitnang pangalan, kailangang ipasok ito kasama ang una/ibinigay na pangalan sa lugar para sa “Given/First name” o “Ibinigay na Pangalan”. Mangyaring tiyakin na ito ay nasa pagkakasunod-sunod na naaayon sa nakikita sa inyong pasaporte o sa iba pang balidong dokumento para sa pagbiyahe.p>

Halimbawa:

Pangalan na nakikita sa pasaporte [√ ] Ipinasok na
Surname/ Family Pangalan TAYLER Surname/Last name TAYLER
Unang / Ibinigay na Pangalan MARY Ibinigay na Pangalan MARY CHRISTINA
Gitnang Pangalan CHRISTINA
Apelyido/ Apelyido ng Pamilya CHAN Apelyido ng Pamilya CHAN
Ibinigay na Pangalan TAI MAN TOM Ibinigay na Pangalan TAI MAN TOM
Titulo
MR Lalaki (Matanda)
MRS Kasal Babae (Matanda)
MS Babae (Matanda)
MISS Babae (wala pang 12 taong gulang)
MSTR Lalaki (wala pang 12 taong gulang)

Sa pagsasaalang-alang ng kakulangan sa kawalan ng pagkakaiba sa pagitan ng Apelyido ng Pamilya at sa Ibinigay na Pangalan, gaya ng Indonesian, o kung ang nakikita sa inyong pasaporte ay inyong buong pangalan lamang, ipagpaumanhin po ninyo na kailangan naming ipaalam sa inyo na ang transaksyong online ay hindi matatanggap. Kaya Mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa cs.ph@hutchgo.com.

Halimbawa:

Pangalan na nakikita sa pasaporte [X] Hindi maaaring mag-book nang online
Mangyaring mag-email sa cs.ph@hutchgo.com.
para makapagpareserba.
Buong pangalan SUTI
Buong pangalan SITI MELA

Ang pangalan ng pasahero ay hindi mapapalitan kapag ang tiket ay kumpirmado na. Mangyaring tiyakin na ang pangalan ng pasahero ay tugma sa inyong mga balidong dokumento ng pagbiyahe bago ninyo kumpirmahin ang inyong booking.

Para sa mga pasaporte na ang pagkabalido ay kulang na sa 6 na buwan, makakapagpareserba pa rin kayo nang online. Gayunpaman, mangyaring tiyakin na ang inyong pasaporte ay may hindi bababa sa 6 na buwang pagkabalido (ang pagbibilang ay mula sa petsa ng inyong biyahe pabalik) bago ang inyong pag-alis, kung hindi, ang mga airline ay may karapatang tanggihan ang inyong pagsakay.

I-klik lamang ang buton na “mga detalye: para sa mga detalye ukol sa koneksyon ng flight / stopover pagkatapos ninyong masaliksik ang mas nagugustuhan ninyong petsa ng pagbiyahe.

Kung ang pangalan ng pasahero ay hindi tugma sa nasa pasaporte ng pasahero, nakalaan sa airline ang karapatan na tanggihan ang pagsakay. Mangyaring tiyakin na ang pangalan ng pasahero ay tugma sa nasa inyong balidong dokumento sa pagbiyahe bago ninyo kumpirmahin ang booking.

Isang elektronikong tiket ang agad na iiisyu kapag ang booking ay kumpirmado na. Ang elektronikong tiket ay ipapadala sa inyong email account nang hindi na mahuhuli pa sa susunod na araw na may trabaho. Iminumungkahi sa inyo na i-print ang elektronikong tiket at dalhin ang inyong balidong dokumento sa pagbiyahe at ang iniaatas na visa kapag nag-check-in.

Makakagawa kami ng mga espesyal na kahilingan sa mga airline sa pangalan ng aming mga bisita, gayunpaman, mangyaring tandaan na lahat ng kahilingan ay sa batayang paghiling lamang at nakalaan sa mga Airline ang karapatan para sa pinakahuling desisyon.

Para sa pagsusumite ng inyong kahilingan nang hindi na bababa pa sa 3 araw na may pasok bago ang pag-alis: Masusundan ninyo ang mga instruksyong nasa ibaba upang maisumite ang inyong espesyal na kahilingan nang hindi bababa sa 3 araw na may pasok bago ang pag-alis:

  1. Kunin ang mga detalye ng booking sa pamamagitan ng:
    1. Pag-klik sa “Ang Booking Ko” o “My Booking” at ipasok ang inyong offer number o numero ng alok at ang email address;
    2. Mag-kilk sa link na “I-edit ang Booking Ko” na makikita sa pahina ng kumpirmasyon.
  2. Kumpletuhin sa form ang inyong kahilingan at isumite sa
  3. Ang aming Customer Service Executive ay sasagot sa inyong email sa loob ng susunod na araw na may pasok.

Mangyaring tandaan na ang ilang mga airline ay hindi tatanggap ng para sa anumang kahilingannang wala pang 24-48 oras bago ang inyong pag-alis.

  • Para sa pagpapasok ng “Numero ng Pagkamiyembro kaugnay ng Milyahe” o “Mileage membership number” sa booking
    Mangyaring tandaan na hindi lahat ng mga ipinamasahe ay karapat-dapat para sa pag-iipon ng milyahe o para sa upgrade. Mangyaring magtanong sa airline para sa mga karagdagang detalye.

  • Kahilingan para sa pagtatalagaang upuan at/o espesyal na pagkain
    Mangyaring tandaan na lahat ng kahilingan ay sa batayang paghiling lamang at nakalaan sa mga Airline ang karapatan para sa pinakahuling desisyon.

Karamihan sa mga International Airline ay karaniwang nag-aalok ng mga espesyal na pagkain na nasa ibaba kapag nakasakay na, pero depende pa rin ito sa tagal ng kanilang mga flight at ruta.

  • AVML - Asian vegetarian meal
  • BBML - Baby meal
  • BLML - Bland meal
  • CHML - Child meal
  • DBML - Diabetic meal
  • FPML - Fruit platter meal
  • GFML - Gluten free meal
  • HNML - Hindu meal
  • KSML - Kosher meal
  • LCML - Low calorie meal
  • LFML - Low fat meal
  • LSML - Low salt meal
  • NLML - Low lactose meal
  • VGML - Vegetarian vegan meal
  • VJML - Vegetarian Jain meal

Gayunpaman, mangyaring tandaan na karamihan sa mga budget airline ay walang libreng pagkain at serbisyong magbigay ng inumin. Mangyaring tandaan na lahat ng kahilingan ay hindi garantisado at sasailalim sa kasunduan sa airline. Para sa karagdagang mga tanong, mangyaring makipag-ugnayan nang direkta sa airline para sa karagdagang tulong.

Ang binanggit na pamasahe sa eroplano ay wala pang kasamang mga buwis at mga pataw. Isang ibinuod na halaga kasama ang lahat ng buwis at mga pataw ang ibibigay bago ang pahina para sa pagbabayad.

Mangyaring tandaan na ang ilang airport ay sumisingil ng mga buwis para sa pag-alis na kailangang bayadan sa lokal na pera ng mga naturang airport. Ang mga buwis na ito ay hindi kasama sa inyong presyo. Responsibilidad ng pasahero na magbayad sa mga naturang airport sa lokal na pera.

Ang pamasahe na nasa tiket ng eroplano na nakikita sa elektronikong tiket ang orihinal na pamasahe na nasa tiket ng eroplano. Gayunpaman, ang sisingilin lamang naming ay ang pamasahe na nasa tiket ng eroplano na nasa opisyal na resibo.

Ang tiket ng bata ay balido lamang para sa mga bata na may edad na 2 - 11 taong gulang at ang tiket ng sanggol ay balido lamang para sa sanggol na wala pang 2 taong gulang.

Para sa mga pasahero na lampas na sa 12 taong gulang sa/bago ang petsa ng kanilang pagbalik, kailangang bilihin nila ang kanilang tiket sa eroplano sa halagang pang matanda;

Para sa mga pasahero na may edad na 2 taong gulang pataas sa/bago ang petsa ng kanilang pagbalik, kailangan nilang bumili ng tiket na pang bata.